Monday, January 3, 2011

DADA

Masaya naman ang new year namin at heto nandito na ulit kami sa love nest namin ni beb after 2 weeks na palamunin ni mudang. doble nanaman ang timbang ko at wala nanaman magkasya saking damit dahil sa bilis ng paglobo ko nakakaloka! Tinatamad ako mag dear diary ngayon  kaya i’ll make kwento nalang...

Di ko pwedeng ielaborate pa masyado kung sino sya sa buhay ko (context clues.hehe), sa buhay namin pero malungkot ako sa pagiiba ng landas namin.

16 ako at 7 naman si anna nung una syang pumasok sa buhay namin, wala pa kong isip at di pa masyadong makapal ang pubic hair ko that time. si anna naman bungal pa at wala pang regla. Mula’t sapul magaling na syang mambwisit. Mahilig syang mangasar ng bonggang bongga at pag pinatulan mo, ang ending sya ang galit at nagwawalkout. Kasing sensitive ng balat nya ang kanyang feelings konting kibot umaarte sya. Matapang sya at alam ang lahat ng bagay sa mundo masyado syang magaling. Lahat ng bagay pinipintasan nya, lahat ng bagay may opinyon sya. Pag nakakasama namin sya busangot nyang mukha ang makikita mo at hinaing sa masasakit na bahagi ng katawan nya ang maririnig mo pagpasok palang nya ng pintuan. Lahat ng pagkain maalat  o di kaya’y malansa.

Di sya perpektong tao, madalas impakto sya pero hindi sya masamang tao. Mahal namin sya, mahal namin sya kasi nandyan sya para samin. Nandyan sya sa lahat ng madidilim na bahagi ng buhay ko. Halos kalahati ng buhay ko kasama sya. Sya ang nakasama ko habang nagkakaisip ako hanggang sa nagkaroon na ko ng sariling buhay. Pag may nakikita syang bago sa paligid sinisiguro nyang ieenjoy nya yun ng kasama kami. Hindi sya madamot, kahit minsan kinakapos sya gusto nya meron syang mabibigay para samin kahit maliliit na bagay lang. Masungit sya at suplado pero di sya nangaagrabyado ng tao.

Dear dada,
Halos madurog ang puso ko ng makita kitang nasasaktan, di ko napigilan ang luha ko ng makita kitang umiiyak dahil alam ko na wala akong pwedeng gawin para mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman mo. di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. wala akong magawa kundi ang makiiyak nalang habang pinapakinggan ka.kung pwede lang, kung pwede lang sanang wala nalang masaktan para di na umabot pa sa ganon ang lahat.

Hindi biro ang sampung taong pagsasama. Maraming bagay na din tayong pinagdaanan, bagay na iniyakan at tinawanan, kwentong mabababaw at malalalim, ang pagkain ang kung anuano at  pagpunta sa kung saan saan. Habangbuhay kong itatago lahat ng pinagsamahan natin.

Forever kong mamimiss ang pambbwisit mo sa nguso kong “chokoleit”,ang pagpuna mo sa mga bago kong tigyawat, sa legs kong “jolas” at sa katawan kong seksi. Di ko makakalimutan ang pagsabi mo ng maalat sa ulam kahit wala namang asin, ang pagsabi ng “arthritis”, “salmonella” at “uric acid” sa mga nahaing pagkain. Ang pasalubong mong DVD’s,  kitkat icecream, saging at mga anekanek. Mamimiss ko ang mga kwentong t-back at cleavage mo. ang pagsabi mo ng “lanos”,”pambihira” at “haaaay nakuuu” lalong lalo na ang pagtawag mo ng “neng” samin. Sanay na kaming nandyan ka. sabi nga ni anna “kumpleto pa ang buhok mo kasama ka na namin” kaya di biro ang mga pangyayari.

Lagi kang magiingat at sana’y maging masaya ka. Kahit maraming nasaktan, naitama naman ang lahat ng mali at naisaayos ang mga bagay bagay. Sana kapag makasalubong ka man namin somewhere eh makita ko parin ang ngiting nakasanayan ko ng makita simula pa noong bata ako.

Mahal kita dada...
yenyen

2 comments:

  1. Masyadong malalim, diko nantindihan kung anong nangyayari ka dada. Subalit, naiyak ako habang binabasa ko to. Baliw ako sa blog mo... May puso, may kurot.

    Dear Dada, tulad ng hiling ni yenyen, sana'y lumigaya ka! :)

    ReplyDelete
  2. di pwedeng ipaintindi kung ano ng nangyari sa kanya masyadong sensitibo.naks! nyahahahaha!

    ReplyDelete