Thursday, January 6, 2011

STRESS

Stress.. in tagalog nakakalooooka, in bisaya hindot! (pero syempre gawa gawa ko lang yan). "STRESSED" yan ang napakagandang salitang maitatawag sa maghapon ko. Maghapon akong naloka at nastress sa mga kaganapan sa buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam ng taong stressed. Ang sakit sa ulo pati batok ko nanakit buti naman at di nanikip ang dibdib ko kasi di na stress yun atake na ang tawag dun at di na cute yun at pwede akong matigok dun. Nasabi ko ba bang nakakastress ang araw ko?

Umaga palang wala ng tigil ang pagtunog ng cellphone kong Blackberry na dual sim (if you know what i mean). mga taong nagkakagulo sa bagay na wala namang kwenta. Pati ako naipit na sa kaguluhang wala naman akong kinalaman at lalong nagiinit ang ulo ko dahil ang hirap magtext pag naka QWERTY fone ka (if you know what i mean ulit) at lalong lalong uminit ang ulo ko nung napikon na ko at naubos na ang load ko kakatawag dahil nga sa hirap magtext. kaliwa't kanan ang mga text at tawag, 5 tao ang nakausap ko na hapon na eh wala paring linaw ang lahat. Isa sa kanila inaaway ako galit daw sya sakin at sasapakin daw nya ako. 2 sa kanila sinisigawan ako kaya kahit na tatay at lola ko sila ay nasigawan ko din sila ng "WAG NYO KONG SIGAWAN HINDI AKO ANG KAAWAY NYO!" oo lola at tatay ko, tito at tita at isa pang lola ko ang 5 taong kausap ko na naloooooka ako ng bonggang bongga.

Bago pala nangyare lahat yan tinawagan ako ni dada at nahihinaing nanaman at humahagulgol :c maya maya dumating sya at umiyak ulit :c pero ayoko ng pagusapan pa yan dagdag stress lang yan.

Balik tayo sa pinaguusapan natin. Oo kapamilya ko yung 5 yun. Magulo naman talaga kasi ang pamilya ko mula pagkabata ganyan na sila sabi ko nga sa status ko sa FB magugulo pa sila sa bulbol kong ahit. Saang bahagi man ng pamilya ko kalakip na talaga si "gulo" lahat magaling, lahat "daw" nagsasabi ng totoo di mo na alam kung sino ang paniniwalaan mo tapos ang ending ikaw ang inaaway nila. ang cute cute diba? teka segway muna tayo may ikkwento muna ako...

Kahapon nabugbog ko si mig, napapalo ko sya dati pero isang hampas lang ok na kami pero kahapon nakakalooooka talaga. Simple lang naman ang pinagmulan, kinalat nya ng bonggang bongga ang laruan nya tapos nung pinapaligpit ko na eh ayaw daw nya. Pwede ko namang iligpit nalang pero ang problema nagiiiyak pa si sanib at mukhang nanunubok kung kaya nya ako, syempre di naman pwedeng magpadaig ako kasi kalalakihan nya yun diba? tama? tamaaaa! so ayun na nga umiiyak sya pinalo ko ng hanger parang wala lang pinalo ko ulit at ulit at ulit at ulit pero si sanib parang wala lang lalo akong nanggigigil kaya bago pa ko ma bantay bata kinulong ko nalang sya sa kwarto, ayun dun sya bumigay at nagligpit. bat kasi di ko pa agad naisip na ikulong nalang sya agad eh di sana di na kame umeksena pa. kaya ayun madami syang latay. sa kanang braso nya may isang hampas so ibig sabihin may dalawang guhit. Sa kanang braso naman 3 hampas kaya 6 na guhit at ang dalawa dun medyo napalakas kaya bumukol talaga at pumasa.(sa mga di nakakaintindi kung bakit times 2 ang latay eh dahil ang gamit kong hanger ay ito.


ayan buong buo



at hindi ganito...

ayan kalahati lang
at kung di nyo parin naiintindihan ay ewan ko sa inyo. at kung hindi parin, try nyo maghanap ng ganyang mga hanger at ihampas nyo sa anu mang  parte ng katawan nyo sigurado ako sa sakit nyan eh bigla nyo kong maiintindihan.

pangalawang kwento naman. kanina galing sucat si beb at paguwi nya nagkita kami sa walter mart kasama si kervin (si kervin ay pinsan kong 16yrs old na nonong ni mimit at magkasundong magkasundo sila dahil magkalebel ang utak nila pero di naman sya retarded may "pagka" lang talaga) nung pauwi na kami tumawag ng tricycle si beb. nung pababa na si tricycle naalala ni kadong nakalimutan nya yung binili nyang dogfood sa taas kaya sabi nya sa driver "pwede mo ba kaming hintayin sandali?" ang demonyong driver bigla nalang umiling ng umiling sabay harurot ng motor! hindi ako OA pero muntik na talagang mahagip si mig! punyeta sya! medyo nashock ako at di nakareact. si kadong semi histerical sya dun at kinausap yung isang driver pero dinedma sya.hahahahahah! nung medyo naabsorb ko na ang mga pangyayari eh saka lang ako naginarte dun pero medyo lang kasi inisip ko din baka kuyog yung mga yun eh wala namang alam si kadong sa labanan gandang lalaki lang meron sya. paguwi namin ng bahay sumbong agad ako kay koko at tinanong ko kung saan kami pwede magreklamo at syempre nagalit si koko si mimit ba naman ang pinaguusapan buti nakita ko yung number ng tricycle sa harapan na 0204 kaya nagmadaling naligo si koko at pumunta kami sa terminal ng tricycle. tinuro samin ung bahay ng presidente nila na nahanap namin agad. sabi ng presidente hahanapin nya daw at babalitaan nya kami bukas. bukas sasabihin ko sa kanya isang sampal lang quits na kami. bastos!

balik tayo ulit sa pamilya kong magulo. alam nyo sa sobrang gulo nila naguluhan na din ako at tinamad na kong ikwento pa ulit baka kasi pati kayo maguluhan lang at mastress magsisi pa kayo at bakit nyo pa binasa tong post ko baka mabawasan pa ang mga fans ko. kaya hanggang dito nalang. halata bang magulo ang utak ko at para atang walang sense tong pinost ko?

basta stressed ako ewan ko sa inyo

Monday, January 3, 2011

DADA

Masaya naman ang new year namin at heto nandito na ulit kami sa love nest namin ni beb after 2 weeks na palamunin ni mudang. doble nanaman ang timbang ko at wala nanaman magkasya saking damit dahil sa bilis ng paglobo ko nakakaloka! Tinatamad ako mag dear diary ngayon  kaya i’ll make kwento nalang...

Di ko pwedeng ielaborate pa masyado kung sino sya sa buhay ko (context clues.hehe), sa buhay namin pero malungkot ako sa pagiiba ng landas namin.

16 ako at 7 naman si anna nung una syang pumasok sa buhay namin, wala pa kong isip at di pa masyadong makapal ang pubic hair ko that time. si anna naman bungal pa at wala pang regla. Mula’t sapul magaling na syang mambwisit. Mahilig syang mangasar ng bonggang bongga at pag pinatulan mo, ang ending sya ang galit at nagwawalkout. Kasing sensitive ng balat nya ang kanyang feelings konting kibot umaarte sya. Matapang sya at alam ang lahat ng bagay sa mundo masyado syang magaling. Lahat ng bagay pinipintasan nya, lahat ng bagay may opinyon sya. Pag nakakasama namin sya busangot nyang mukha ang makikita mo at hinaing sa masasakit na bahagi ng katawan nya ang maririnig mo pagpasok palang nya ng pintuan. Lahat ng pagkain maalat  o di kaya’y malansa.

Di sya perpektong tao, madalas impakto sya pero hindi sya masamang tao. Mahal namin sya, mahal namin sya kasi nandyan sya para samin. Nandyan sya sa lahat ng madidilim na bahagi ng buhay ko. Halos kalahati ng buhay ko kasama sya. Sya ang nakasama ko habang nagkakaisip ako hanggang sa nagkaroon na ko ng sariling buhay. Pag may nakikita syang bago sa paligid sinisiguro nyang ieenjoy nya yun ng kasama kami. Hindi sya madamot, kahit minsan kinakapos sya gusto nya meron syang mabibigay para samin kahit maliliit na bagay lang. Masungit sya at suplado pero di sya nangaagrabyado ng tao.

Dear dada,
Halos madurog ang puso ko ng makita kitang nasasaktan, di ko napigilan ang luha ko ng makita kitang umiiyak dahil alam ko na wala akong pwedeng gawin para mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman mo. di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. wala akong magawa kundi ang makiiyak nalang habang pinapakinggan ka.kung pwede lang, kung pwede lang sanang wala nalang masaktan para di na umabot pa sa ganon ang lahat.

Hindi biro ang sampung taong pagsasama. Maraming bagay na din tayong pinagdaanan, bagay na iniyakan at tinawanan, kwentong mabababaw at malalalim, ang pagkain ang kung anuano at  pagpunta sa kung saan saan. Habangbuhay kong itatago lahat ng pinagsamahan natin.

Forever kong mamimiss ang pambbwisit mo sa nguso kong “chokoleit”,ang pagpuna mo sa mga bago kong tigyawat, sa legs kong “jolas” at sa katawan kong seksi. Di ko makakalimutan ang pagsabi mo ng maalat sa ulam kahit wala namang asin, ang pagsabi ng “arthritis”, “salmonella” at “uric acid” sa mga nahaing pagkain. Ang pasalubong mong DVD’s,  kitkat icecream, saging at mga anekanek. Mamimiss ko ang mga kwentong t-back at cleavage mo. ang pagsabi mo ng “lanos”,”pambihira” at “haaaay nakuuu” lalong lalo na ang pagtawag mo ng “neng” samin. Sanay na kaming nandyan ka. sabi nga ni anna “kumpleto pa ang buhok mo kasama ka na namin” kaya di biro ang mga pangyayari.

Lagi kang magiingat at sana’y maging masaya ka. Kahit maraming nasaktan, naitama naman ang lahat ng mali at naisaayos ang mga bagay bagay. Sana kapag makasalubong ka man namin somewhere eh makita ko parin ang ngiting nakasanayan ko ng makita simula pa noong bata ako.

Mahal kita dada...
yenyen