Monday, July 11, 2011

dear baby sam,

kamusta na kayo ni darla dyan? mukhang enjoy na enjoy kayo at hanggang ngayon di nyo parin ako dinadalaw. alam ko nagtatampo kayo pero di ako naniniwalang kinalimutan nyo na kame. alam mo naman kung gaano ako kaduwag diba?pero alam mo kagabi, nandun ako sa labas, naktingin ng matagal sa kalsada, sa tapat ng libingan nyo, naghihintay na sana naman magpakita kayo sakin ni darla. kahit sandali lang makita ko namang ok kayo.

wala si daddy ngayon baby, tinawagan sya ng dati nyang boss para sa bagong work, bagong blessing pero ayokong isipin na kapalit to ng pagkawala nyo. miss na miss ko na kayo sam. hanggang ngayon ayokong tanggapin na wala na kayo. gusto kong magkaroon ng remote na pwedeng irewind ang mga pangyayare para maiayos ko lahat at maitama yung mga mali.

daya mo baby, maya't maya mo ko pinapaiyak di ka nawawala sa isip ko. pag may kasama ako ok ako, pero pag ako nalang di ko mapigilang umiyak lalo na sa gabi bago matulog at pag may mga nalulungkot at nakikiramay sa pagkawala mo, lalo ko kasing nararamdaman kung gaano ka ka special at kung gano kalaki ang nawala samin. madami ako nababasa, the best way daw na makapagmove on eh kumuha ng panibagong aso, pero alam ko sam di yun uubra kasi lalo lang kitang maaalala lalo lang kita maikukumpara dahil alam kong wala kang katulad, di ka kahit kelan pwedeng palitan.

alam ko matagal ka din lumaban, siguro katawan mo nalang talaga ang bumigay. hindi ako magsasawang magsabi sayo ng sorry sam, sorry kasi di kami umabot. alam ko dadating din naman ang araw na to eh, pero sana di pa ngayon, masyado pang maaga, masyadong biglaan, hindi pa kami handa. lalo din ako nalulungkot pag nakikita ko sila mig at enchong, akala ko talaga lalaki silang kasama at kalaro kayo. sana pwede kong ibalik lahat para di kayo nawala samin. pero alam ko din na kahit ano pang sorry at pagsisisi ang gawin namin wala ng mangyayari, di ka na babalik, di ka na namin ulit makikita.

hanggang ngayon di parin kami naguusap ni tatay ng tungkol sa inyo, kasi di pa namin kaya, nakikita nalang namin isa't isa na lumuluha, naririnig na sumisinghot. sam tulungan mo naman ako na ibalik yung tigas ng puso ko, yung lakas na magpigil ng iyak, di kasi ako sanay sa ganito eh, parang hindi ako, tuwing maaalala kita iyak nalang ako ng iyak. mahal na mahal kita, miss na miss kita.

sana masaya kayo dyan, gabi gabi ko kayong hihintayin sam, hinding hindi ko kayo makakalimutan ni darla, mahal na mahal ko kayo,wag nyo kakalimutan un.

love,
nanay

Friday, February 25, 2011

yeller! huling post ko nung araw pa ng mga puso.. wala! wala akong napala! dinedma ng hayup lahat ng parinig ko.hahaha! nakakatawa nga kasi feb15 umalis sya nagiimagine pa ko na paguwi nya may dala sya para saken nagppractice pa ko ng reaksyon wala naman pala nakakalooooka talaga.

ok naman ang araw ko. around 3 nagyaya si mama, punta daw kaming tagaytay sabe ko next time nalang kasi wala kaming datung pero syempre nagpapacute lang ako nun kaya syempre sinama parin kame. pumunta kame ng picnic grove at nagpicturepicture. gosh namiss ko yung place, huling punta ko ata dun si dess at ace pa ang kasama ko. anyway, umuwi din kami agad kasi madilim na at sobrang lamig, si mimit at entong sinipon na. dumaan muna kame sa total at uminom ng kapeng walang kwenta sa bonjour tapos dun kame nagdinner kina mama.


mga 11pm na ng nakauwi kame ng bahay. aroung 2 di parin ako makatulog kaya naghalungkat ako. nakita ko yung mga loveletters saken ni beb dati nung mga panahong patay na patay pa sya saken tapos nakita ko din dun ung sulat sulatan ko. natatawa ako kasi parang gawa ng grade5 at yun ang ibabahagi ko sa inyo ngayon. ginawa ko to baby pa si mig, mga 2years ago. kung ano ang nakasulat, yun din ang ilalagay ko ditey kahit mali mali pa ang spelling at grammar. wag nyo nalang pansinin kung walang kwenta kasi boba talaga ako sa english partida sa gawa kong to effort na effort talaga ako.hahahaha!


things that im proud of


The other day, I tried searching random names of my classmates on facebook. I felt excited as I found some of them. Some I only knew by names and some were my good friends back then. I tried adding them and not to my surprise they still knew me very well. so we had this usual “hi, hello” thingy and the “where you at? And how’d you’ve been doing” conversation. From then I learned that they were all doing great on their chosen fields. One is a nursing graduate from my dream school, now an RN working and at the same time having fun travelling in the US from one state to another driving her own car. The other is just a few steps away on becoming a doctor and now on an out of town escapade with her med barkada before their finals.  And the girl who I remembered as just a “normal-common” is now a sales manager on a well known car dealer. I don’t know, but I just suddenly felt depressed. Ok I admit I felt really envious but I can honestly say that I’m happy for them. I just kept on thinking “what about me?” “what happened to my future?” I was once the smartest and brightest student in our class, students always look up to me in all my school years. I graduated as valedictorian twice (preschool and highschool) and become a university scholar on my first year of college (sorry to state these all, I guess I just wanna boost my ego.lol)  until things went terribly wrong. I took advantage being in the big city again with all the temptations in front of me, spending too much time doing nasty things, taking other good things for granted, disappointed all the people who believes in me, fell deeply in love and got pregnant before I even finished my studies. Now I’m undergraduate and jobless. Everything went to blur… the girl who was once everyone’s idol, the girl everyone believed in, the girl who’s every parent want their children to be, had become their worst nightmare. I abhorred myself for that. Killing myself thinking about the undying “what if’s” and “what could have been’s”. As I stared blankly on the wall I started to think, “what are the things that I can be proud of?”  “Am i really a loser?” then I felt a little hand tapping  my lap, a handsome little boy smiling and mumbling words I can’t understand, suddenly im back to reality. Of course I got a lot of things that I’m proud of and let me state all of them.

I’m proud of my few friends who stayed by my side no matter how stupid I am, I’m a proud granddaughter of my kind lola zeny for she spent all her life supporting and loving her kids and grandchildren, I’m a proud daughter of my smart parents.  Thanks for loving me and supporting me ‘til now especially my mom who can be a monster at times but I know that she always have a good heart. And as for my father, I know he loves me the way he knew even though he’s such a pain in the ass. I’m a proud owner of a handsome three year old golden retriever named sam ,  a very loyal and loving dog and loved by everyone. im a very proud partner of don, the one who stayed to be the man whom i love and adored from day one, my very bestfriend,my one great love. the only one who can say im still pretty even though i ‘v got three giant zits on my cheek. I’m a very proud mother of my very cute angel Miguel. so tiny yet owns the biggest part of me,  the reason  i still got to smile even on the very worst days of my life, my little guy who taught me how to love my own life eventhough i went to a different path.

I may be spending my nights changing diapers and preparing a bottle of milk for my baby rather than partying like people my age does, but having a peaceful sleep with the people you truly care lying beside you is priceless. I may be staying all day inside the house taking care of them rather than travelling around, but why travel? when i can spend my whole day laughing my heart out while having a great time doing anything with them. I may not be earning bucks but im happy being a nanny of my kid paying me with so much love and joy. Nothing beats waking up in the morning seeing their faces and kissing you endlessly.

I know I’ve made mistakes. Guilty of having stupid choices, but these things leads me to something I’ve ever dreamed of. With them around me who doesn’t care how i look,what’s written on my resume and how much money I’m earning makes me really proud. Their unconditional love is enough to let me feel “fulfilled”. But don’t get me wrong. I’m not stopping here, everyday is a learning process. I still hope and pray to make these people im proud of, be proud of me when my big day finally comes. :

Sunday, February 13, 2011

puso sa puso


February 14, ang araw ng mga puso, ang araw ng kabaduyan kung kelan abala ang mga tindera ng bulaklak, puno ang mga restaurants at mga motel, ang mapulang araw, at higit sa lahat ito ang araw na pinanganak si Kris aquino, Heart Evangilista, at John prats.Chos!

Puso, ito na ata ang pinaka powerful na parte ng katawan (oo alam ko hypothalamus nanggaling ang mga impormasyon na inilalabas ng puso pero wag na kayong makialam). Pag pagmamahal kasi ang usapan wala na, lahat na sablay. Ilan na ba ang kakilala kong nakita kong umiiyak ng dahil sa pagibig? Pag totoong pagibig na ang naramdaman madalas wala ka na sa ayos, wala ka na sa katwiran, madalas kahit na yung pinakamamalapit na tao sa sayo eh gustong gusto ka ng batukan. Syempre may mganda din namang naidudulot ang pagibig, minsan kahit na yung pinakamasasamang tao nagiging dalawa ang katauhan ng dahil sa pagibig o pag mas sinwerte nagagawa talaga nilang magbago.

Bakit nga ba tayo nagmamahal? Ewan ko sa inyo pero ako nagmamahal ako kasi gusto ko.hehe ilang beses na din akong nasaktan dati sa pagibig pero paulit ulit parin akong nagmamahal. Ewan ko para kasi sakin kusang dumadating eh at pag nandyan na, madalas kahit ayaw mo wala kang magagawa. Madalas pagkatapos mong masaktan sasabihin mo ayaw mo na, tama na, wala ng kasunod pero ang nakakatawa ang susunod mong mamahalin eh perfect replica din ng taong pinagkasumpasumpa mo. Minsan naman magseset ka ng panibagong standards, sasabihin mo sa susunod ganito ganyan na ang mamahalin ko pero ang ending dun ka mapupunta sa kabaliktaran. Pwede ding sabihin mo sa sarili mo, next time di na ko papaloko, titigasan ko na puso ko pero isang ngiti palang ni pagibig nangingisay ka na. Kasi nga po di mo naman matuturuan ang puso, matigas pa ulo nyan sa nanay mo.hahaha! at bigla bigla dumadating yan madalas di nakaplano pag nasa harap mo na mahirap ng ayawan lalo na pag nabibingi ka na sa kabog ng dibdib mo.

Galing ako sa masaklap na relasyon ng makilala ko si beb. Pagibig na akala mo perpekto tapos bigla nalang natigil, mas nakakapraning pala yun, mas maganda sana kung nagaway kayo o nahuli mo syang may babae kesa sa nangyare sakin nawindang talaga ako nakakaloooka! ang hirap mag move on feeling ko babalik parin sya yun pala hindi na prang tanga lang. Naalala ko dati sabi ko kay mama “Sa susunod na magmamahal ako di ko na paiiralin puso ko kasi kahit halos perpektong relasyon nasisira din eh dun nalang ako sa may pera para kahit anong mangyare samin secure ako, wala akong paki kahit ano pa gawin nya”.

Ang kinalabasan? Nauwi ako kay kadong.hahaha kami na ni beb may sugat parin ang puso ko nun, alam ni beb yan. Minsan di ko maintindihan sarili ko kung talagang mahal ko si beb bakit naiisip ko parin si kupal? Siguro nga dahil walang closure, hindi ko nasabi ang mga gusto kong sabihin at di ko narinig ang mga bagay na gusto kong marinig. Pero wala eh, hindi mahirap mahalin si kadong, madalas talaga bullshit sya pero sobra sobra yung mga bagay na lagi kong pinagpapasalamat. Hindi ko na mabilang kung ilan ang nagsabi saking swerte daw ako kay kadong kasi si kadong ganito, si kadong ganyan.

Hindi perpekto si kadong, naniniwala akong walang perpektong tao at walang perpektong relasyon kaya kung ano man ang meron ako ngayon ipinagpapasalamat ko ng bonggang bongga. Salat man kami sa ibang bagay, masaya naman kami. Lalong bumongga ang pagmamahal ko kay kadong nung bingyan nya ko ng dalawang anak. Syempre di naman ako ipokrita may mga panahon ding ansarap talagang kutusan ni kadong, may mga panahong literal na nananakit ang batok ko sa pagkabwisit ko sa kanya at panahong mas gusto kong mawala muna sya sa paningin ko kahit sandali para lang bumalik ako sa wisyo. Pero ni minsan hindi ako nagsising pinili ko ang buhay na kasama sya. May mga bagay din na medyo di na din namin magawa ngayon di katulad dati noong mundo namin eh kaming dalawa lang. Maaring di lahat kayang ibigay ni beb, pero ang mga bagay na kaya nyang ibigay sobra sobra na sakin (pwera lang pera.hahaha). 

Kaya pag puso ang pinaguusapan, si kadong agad ang pumapasok sa isip ko kasi sya lang nagpapatibok nito (naks!). sya ang dahilan kung bakit kahit na minsan eh may mga problema kami,masayang masaya parin ako. Sya ang bestfriend ko, kakampi kahit sa anong bagay. Kaya kahit na ilang beses kami nagtatalo sa maghapon di ko maimagine ang buhay ko ng wala sya (promise). Alam ko marami pa kaming pagdadaan at lagi kong pinagdarasal na sana kayanin namin lahat ayoko na kasi ng iba gusto ko si kadong lang.

To all the boys i loved before, maraming maraming salamat sa inyo dahil kung di dahil sa mga kaululan nyo eh hindi ako mauuwi kay kadong at wala akong mimit at entong ngayon. Kung saan man kayo naroroon ngayon eh wala akong pakiaalam sa inyo.hahaha! syempre joke lang yun dahil wala na kong bitterness sa katawan. Sige na nga kahit di naman kayo deserving sana naman eh masaya na din kayo katulad ko.

Kaya ang mga loveless dyan wag kayong mawawalan ng pagasa. Sinasabi ko sa inyo at siguradong sigurado ako, dadating din ang prince charming nyo, wag kayong matakot magmahal. Ilang kupal man ang dumating sa buhay nyo siguradong happily ever after din ang kwento ng buhay nyo. Kasi ako, pinakamgandang parte ng araw ko ay yung kahit anuman ang nagyari sa maghapon ko, pagsapit ng gabi, pumipikit akong nakangiti kasi alam ko na nasa tabi ko lang ang mga taong pinakamamahal ko. 

4 na taon ng araw ng mga puso


Apat na balentayms ko ng kasama si kadong. Yung unang taon sinorpresa nya ko ng isang dosenang puting rosas. Nagiinarte pa ko noon kasi nandun kami sa marconi, lahat ng kasamahan nya sa trabaho umalis ng madaling araw para mamili ng bulaklak dun sa dangwa ba yun? Ewan ko kung saan yun basta parteng manila tapos sya nasa bahay lang kasama ko. Paguwi ng mga boylets meron silang dala para sakin pinabili pala sila ni kadong syempre nashock naman ako pero di naman ako naiyak kasi o.a. naman yun.
Pangalawang balentayms namin, sa binangonan kami nakatira medyo nasurprise din ako nun kasi kahit alam ko sa puso ko na bibigyan nya talaga ako ng bulaklak may drama pa kasi sya wala na daw syang mahanap. Yun pala tinago nya dun sa may pintuan, pati si tita bot  binigyan nya din at dun ako mas natuwa ang sweet sweet talaga ni beb.

Last year, sila jannel, anna at ang boylet nyang si zoto ang mga kadate ko, pumunta kami sa festival mall at sobrang daming tao halos wala kaming makuhang parking space. Pagdating sa mall sobrang init halos wala kaming mapwestuhan. Kung totoong baduy lang ang nagdadate sa mismong araw ng mga puso, dun ko napatunayan na ang dami talagang baduy sa pilipinas. Nung kumain kami sa teriyaki boy may lumapit samin na mascot at binigyan nya kami ng bulaklak aangkinin ko sana pero pinaubaya ko nalang kay jannel kasi broken hearted ang lola mo that time. Nung paalis na kami merong complimentary cookie at parang lollipop sa kinainan namin at yun ang talagang inangkin ko para ipasalubong kay mimig ko. Binilhan ko si kadong ng gift teddy bear na nasa lata (na dinala nya sa opis nila at dinisplay na station nya.sweet diba?) Paguwi ko nakita ko syang nagtitiklop ng makulay na papel, sinearch pa daw nya un sa internet kung pano gawin at maging korteng bulaklak ang ending ako na ang gumawa at di na natapos.hahahaha!

Ngayong taon alam ko hindi surprise to o kung ano man, alam kong wala akong mapapala dahil hilahod kami. Ewan ko ba dun dati kahit walang okasyon, paggising ko may loveletter na , na kung di man nakalagay sa tabi ko eh nakadikit  kung saan saan. Ngayon tinatamad na atang gumagawa, wala ng masabi kasi araw araw kami magkasama. Meron ding time dati ginawan nya ko ng parang flash movie regalo nya nung anniversary namin kilig na kilig kasi ako dun at pinapanood ko kung kanikanino ang haba talaga ng hair ko! Ang ganda ganda ko!

Di naman ako maselan, kahit gumamelang lanta na pwede kong gawing bubbles ok na sakin, importante sakin yung effort, yung tipong sumagi ka pala sa isip nya. di naman ako naghahangad ng bonggang surprises, ok na kong haranahin nya gamit yung gitarang laruan ni mig. di ko din feel ang date, ipagtimpla nya lang ako ng bigerlai tea (tama ba sfelling?) solb na ko.

Sana mabasa to ni beb para naman makaramdam sya. Ngayon kasi kung di mo pa sya sasapakin sa mukha o kukurutin sa suso di pa magkukusa eh.hahaha!

Beb, if ever man mabasa mo to, mahiya ka naman aliwin mo naman ako, di naman kelangan ng pera para paramdan saken na kahit 2 na anak natin eh special parin dapat ang feb 14. Syet ka!




Thursday, January 6, 2011

STRESS

Stress.. in tagalog nakakalooooka, in bisaya hindot! (pero syempre gawa gawa ko lang yan). "STRESSED" yan ang napakagandang salitang maitatawag sa maghapon ko. Maghapon akong naloka at nastress sa mga kaganapan sa buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam ng taong stressed. Ang sakit sa ulo pati batok ko nanakit buti naman at di nanikip ang dibdib ko kasi di na stress yun atake na ang tawag dun at di na cute yun at pwede akong matigok dun. Nasabi ko ba bang nakakastress ang araw ko?

Umaga palang wala ng tigil ang pagtunog ng cellphone kong Blackberry na dual sim (if you know what i mean). mga taong nagkakagulo sa bagay na wala namang kwenta. Pati ako naipit na sa kaguluhang wala naman akong kinalaman at lalong nagiinit ang ulo ko dahil ang hirap magtext pag naka QWERTY fone ka (if you know what i mean ulit) at lalong lalong uminit ang ulo ko nung napikon na ko at naubos na ang load ko kakatawag dahil nga sa hirap magtext. kaliwa't kanan ang mga text at tawag, 5 tao ang nakausap ko na hapon na eh wala paring linaw ang lahat. Isa sa kanila inaaway ako galit daw sya sakin at sasapakin daw nya ako. 2 sa kanila sinisigawan ako kaya kahit na tatay at lola ko sila ay nasigawan ko din sila ng "WAG NYO KONG SIGAWAN HINDI AKO ANG KAAWAY NYO!" oo lola at tatay ko, tito at tita at isa pang lola ko ang 5 taong kausap ko na naloooooka ako ng bonggang bongga.

Bago pala nangyare lahat yan tinawagan ako ni dada at nahihinaing nanaman at humahagulgol :c maya maya dumating sya at umiyak ulit :c pero ayoko ng pagusapan pa yan dagdag stress lang yan.

Balik tayo sa pinaguusapan natin. Oo kapamilya ko yung 5 yun. Magulo naman talaga kasi ang pamilya ko mula pagkabata ganyan na sila sabi ko nga sa status ko sa FB magugulo pa sila sa bulbol kong ahit. Saang bahagi man ng pamilya ko kalakip na talaga si "gulo" lahat magaling, lahat "daw" nagsasabi ng totoo di mo na alam kung sino ang paniniwalaan mo tapos ang ending ikaw ang inaaway nila. ang cute cute diba? teka segway muna tayo may ikkwento muna ako...

Kahapon nabugbog ko si mig, napapalo ko sya dati pero isang hampas lang ok na kami pero kahapon nakakalooooka talaga. Simple lang naman ang pinagmulan, kinalat nya ng bonggang bongga ang laruan nya tapos nung pinapaligpit ko na eh ayaw daw nya. Pwede ko namang iligpit nalang pero ang problema nagiiiyak pa si sanib at mukhang nanunubok kung kaya nya ako, syempre di naman pwedeng magpadaig ako kasi kalalakihan nya yun diba? tama? tamaaaa! so ayun na nga umiiyak sya pinalo ko ng hanger parang wala lang pinalo ko ulit at ulit at ulit at ulit pero si sanib parang wala lang lalo akong nanggigigil kaya bago pa ko ma bantay bata kinulong ko nalang sya sa kwarto, ayun dun sya bumigay at nagligpit. bat kasi di ko pa agad naisip na ikulong nalang sya agad eh di sana di na kame umeksena pa. kaya ayun madami syang latay. sa kanang braso nya may isang hampas so ibig sabihin may dalawang guhit. Sa kanang braso naman 3 hampas kaya 6 na guhit at ang dalawa dun medyo napalakas kaya bumukol talaga at pumasa.(sa mga di nakakaintindi kung bakit times 2 ang latay eh dahil ang gamit kong hanger ay ito.


ayan buong buo



at hindi ganito...

ayan kalahati lang
at kung di nyo parin naiintindihan ay ewan ko sa inyo. at kung hindi parin, try nyo maghanap ng ganyang mga hanger at ihampas nyo sa anu mang  parte ng katawan nyo sigurado ako sa sakit nyan eh bigla nyo kong maiintindihan.

pangalawang kwento naman. kanina galing sucat si beb at paguwi nya nagkita kami sa walter mart kasama si kervin (si kervin ay pinsan kong 16yrs old na nonong ni mimit at magkasundong magkasundo sila dahil magkalebel ang utak nila pero di naman sya retarded may "pagka" lang talaga) nung pauwi na kami tumawag ng tricycle si beb. nung pababa na si tricycle naalala ni kadong nakalimutan nya yung binili nyang dogfood sa taas kaya sabi nya sa driver "pwede mo ba kaming hintayin sandali?" ang demonyong driver bigla nalang umiling ng umiling sabay harurot ng motor! hindi ako OA pero muntik na talagang mahagip si mig! punyeta sya! medyo nashock ako at di nakareact. si kadong semi histerical sya dun at kinausap yung isang driver pero dinedma sya.hahahahahah! nung medyo naabsorb ko na ang mga pangyayari eh saka lang ako naginarte dun pero medyo lang kasi inisip ko din baka kuyog yung mga yun eh wala namang alam si kadong sa labanan gandang lalaki lang meron sya. paguwi namin ng bahay sumbong agad ako kay koko at tinanong ko kung saan kami pwede magreklamo at syempre nagalit si koko si mimit ba naman ang pinaguusapan buti nakita ko yung number ng tricycle sa harapan na 0204 kaya nagmadaling naligo si koko at pumunta kami sa terminal ng tricycle. tinuro samin ung bahay ng presidente nila na nahanap namin agad. sabi ng presidente hahanapin nya daw at babalitaan nya kami bukas. bukas sasabihin ko sa kanya isang sampal lang quits na kami. bastos!

balik tayo ulit sa pamilya kong magulo. alam nyo sa sobrang gulo nila naguluhan na din ako at tinamad na kong ikwento pa ulit baka kasi pati kayo maguluhan lang at mastress magsisi pa kayo at bakit nyo pa binasa tong post ko baka mabawasan pa ang mga fans ko. kaya hanggang dito nalang. halata bang magulo ang utak ko at para atang walang sense tong pinost ko?

basta stressed ako ewan ko sa inyo

Monday, January 3, 2011

DADA

Masaya naman ang new year namin at heto nandito na ulit kami sa love nest namin ni beb after 2 weeks na palamunin ni mudang. doble nanaman ang timbang ko at wala nanaman magkasya saking damit dahil sa bilis ng paglobo ko nakakaloka! Tinatamad ako mag dear diary ngayon  kaya i’ll make kwento nalang...

Di ko pwedeng ielaborate pa masyado kung sino sya sa buhay ko (context clues.hehe), sa buhay namin pero malungkot ako sa pagiiba ng landas namin.

16 ako at 7 naman si anna nung una syang pumasok sa buhay namin, wala pa kong isip at di pa masyadong makapal ang pubic hair ko that time. si anna naman bungal pa at wala pang regla. Mula’t sapul magaling na syang mambwisit. Mahilig syang mangasar ng bonggang bongga at pag pinatulan mo, ang ending sya ang galit at nagwawalkout. Kasing sensitive ng balat nya ang kanyang feelings konting kibot umaarte sya. Matapang sya at alam ang lahat ng bagay sa mundo masyado syang magaling. Lahat ng bagay pinipintasan nya, lahat ng bagay may opinyon sya. Pag nakakasama namin sya busangot nyang mukha ang makikita mo at hinaing sa masasakit na bahagi ng katawan nya ang maririnig mo pagpasok palang nya ng pintuan. Lahat ng pagkain maalat  o di kaya’y malansa.

Di sya perpektong tao, madalas impakto sya pero hindi sya masamang tao. Mahal namin sya, mahal namin sya kasi nandyan sya para samin. Nandyan sya sa lahat ng madidilim na bahagi ng buhay ko. Halos kalahati ng buhay ko kasama sya. Sya ang nakasama ko habang nagkakaisip ako hanggang sa nagkaroon na ko ng sariling buhay. Pag may nakikita syang bago sa paligid sinisiguro nyang ieenjoy nya yun ng kasama kami. Hindi sya madamot, kahit minsan kinakapos sya gusto nya meron syang mabibigay para samin kahit maliliit na bagay lang. Masungit sya at suplado pero di sya nangaagrabyado ng tao.

Dear dada,
Halos madurog ang puso ko ng makita kitang nasasaktan, di ko napigilan ang luha ko ng makita kitang umiiyak dahil alam ko na wala akong pwedeng gawin para mabawasan man lang ang bigat na nararamdaman mo. di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. wala akong magawa kundi ang makiiyak nalang habang pinapakinggan ka.kung pwede lang, kung pwede lang sanang wala nalang masaktan para di na umabot pa sa ganon ang lahat.

Hindi biro ang sampung taong pagsasama. Maraming bagay na din tayong pinagdaanan, bagay na iniyakan at tinawanan, kwentong mabababaw at malalalim, ang pagkain ang kung anuano at  pagpunta sa kung saan saan. Habangbuhay kong itatago lahat ng pinagsamahan natin.

Forever kong mamimiss ang pambbwisit mo sa nguso kong “chokoleit”,ang pagpuna mo sa mga bago kong tigyawat, sa legs kong “jolas” at sa katawan kong seksi. Di ko makakalimutan ang pagsabi mo ng maalat sa ulam kahit wala namang asin, ang pagsabi ng “arthritis”, “salmonella” at “uric acid” sa mga nahaing pagkain. Ang pasalubong mong DVD’s,  kitkat icecream, saging at mga anekanek. Mamimiss ko ang mga kwentong t-back at cleavage mo. ang pagsabi mo ng “lanos”,”pambihira” at “haaaay nakuuu” lalong lalo na ang pagtawag mo ng “neng” samin. Sanay na kaming nandyan ka. sabi nga ni anna “kumpleto pa ang buhok mo kasama ka na namin” kaya di biro ang mga pangyayari.

Lagi kang magiingat at sana’y maging masaya ka. Kahit maraming nasaktan, naitama naman ang lahat ng mali at naisaayos ang mga bagay bagay. Sana kapag makasalubong ka man namin somewhere eh makita ko parin ang ngiting nakasanayan ko ng makita simula pa noong bata ako.

Mahal kita dada...
yenyen

Thursday, November 11, 2010

jampacked ang balur

Bago ang lahat gusto ko munang batiin ang isang piraso kong fan na si ABI (heller!) ikaw ang inspirasyon ko sa pagpapatuloy ng katarantaduhang blog na to.

Walang masyadong nangyaring nakakatuwa ngayong araw na to kaya ngayon palang binabalaan ko na kayong sayang ang oras nyo sa pagbabasa ng post na to, pero di bale babawi nalang ako sa mga susunod na araw.

Pagod at puyat, yan ang nararamdaman ko ngayon. 12nn na ko natulog at nagising naman ako ng 4pm sabay kami ni mig at as usual pagkahalik saken nakidnap na agad sya ni jannel. pinagluto ako ng adobo ng aking butihing asawa dahil namimiss nya na daw ang masarap kong luto. nnagpapakulo palang ako panay na ang sabi nya ng "bangooooooo", "matagal pa ba?", "grabe beb ang bangooooo lalo akong ginugutom". at ng natikman na nya.. "saraaaaap beb! ibang klase ka talaga mag adobo!". ang galing talagang manguto ng gago.


Around 7pm dumating si jannel kasama si aba para magalaga ng baby. naloka ako dahil nakamalaki pang hikaw,  as in malaki ha promise yung tipong kasya ang ulo ni enchong umattire pa ang lola mo palibhasa bagong gupit.

ganito yung hikaw minus the hangin effect


Maya maya dumating ang aking "so called" bestfriend. nakaalala ang hitad! pagdating palang nagbubunganga na at nangagaw nanaman ng pc ang kapal talaga ng mukha. ngbrowse nanaman ng nagbrowse ng mga damit na out of this world at ito daw ang gusto nyang regalo sa pasko.

''FUNNEL COLLAR, SIDE BUTTONING COAT ''
12,500.00 PHP

OSCAR: yen tara tingnan mo to (sabay turo sa presyo) pag binili mo yan hinding hindi ka na giginawin sa sobrang mahal nya.
YENYEN: tanga hindi, pag binili mo yan tapos may bumaril sayo bigla ka nalang magbebending bending para umiwas sa bala kahit matigas ang katawan mo at kahit pa may osteoporotot ka.
OSCAR: ahahahahaha! oo kahit na si quasimodo ka pa o si kampanerang kuba wahahahahaha! puta ka yen negra ka!

9pm dumating si mama makikiinternet daw dahil pikon na pikon na sya sa gamit nyang smartbro yung prepaid na usb. pano ang nanay mo bumili ng notebook fenk pa pero gabi gabi namang nagtetext sakin ng "PUTANGINANG SMARTBRO TO AYAW NANAMANG MAGKONEK!" pagdating may pasalubong syang siopao at siomai. nagbrowse sya ng 30mins pero ang ending nakatulog sya at umuwi ng 5am. nakakalooooooka! minsan nalang makatikim ng totoong internet tinulugan pa.

10pm lumabas kami ni bakla at mig nagpasama akong bumili ng puto bumbong. pagdating sa clubhouse nandun yung semi ex ko (semi lang kasi 6 na taon na ata ang nakakalipas tapos as in kalokohan lang yun ni hindi ko nga nahawakan mga kamay nun at mga 3 araw lang ata kaming nagkunwaring kame.hahaha!) medyo kaibigan sya ni oscar kaya nagpapansin nanaman ang hayup.

SEMI EX: (lumapit at may sinasabi kay oscar na di ko naiintindihan at nung paalis na kami humirit ng) ikamusta mo naman ako dyan sa kasama mo.. yeeesssss! (may yes pa talaga si jologs).
OSCAR: hahahaha! takah! (sabay mahinang sabi sakin) goodluck naman nirarampa na nga sa harap mo yung anak nilalandi mo pa.
YENYEN: oo nga ang tyaga nun. pag di ko kasama si kadong kinakausap ako nun eh. pag kasama ko naman si kadong ni hindi sya makatingin. (diba may takot kay kadong?)
(pabalik na kami may sinabi nanaman kay oscar na ewan)
OSCAR: kamusta ka daw sabi ng kasama ko.
SEMI EX: (nagsalita nanaman ng di ko maintindihan ewan ko chabacano ata yung gunggong na yun).
YENYEN: ano daw?
OSCAR: di ka naman daw namamansin.
(di ba? parang mga jejemons lang na nagpapacute sa mga kalye.. ganda mo teh!).

Nung umuwi na sina aba at jannel, wala na ang mga yayas kaya balik nanaman sa reyalidad na kelangan nanaman alagaan at bitbitin ng bonggang bongga ang malditong tyanak. nakakalooookang bata sobrang kabaliktaran ng kuya nya mapapabitiw ka talaga ng mga linyang..
"Pasalamat ka cute ka dahil kung hindi walang matutuwa sayo!"
"Kung alam ko lang na ganyan ka sana hinayaan ko nalang na maiipit ang ulo mo sa pekpek ko"
"Wala kang karapatang maginrte dahil negro ka"
"Maldito ka talaga ansarap pinggerin ng bunbunan mo"
Pero syempre joke lang naman yun dahil mahal na mahal ko ang mga ponies ko.

1am sabi ni mig eat daw sya..
YENYEN: ano gusto mo eat beh?
MIMIT: rice, egg
YENYEN: wala ng egg chicken nalang.
MIMIT: noooo, mcdo.
YENYEN: ambisyoso ka wala tayong pera.
ayun sinumpong na hanggang sa makatulog, kawawa naman ang mabait kong baby.

5am gumising si mama at saka lang umuwi. nakatulog na din ang negrong tyanak kaya natulog na din si beb. ako din antok na antok na pero heto nagsasayang pa ng oras sa pagsusulat ng walang kwentang blog na to.

BRO,

salamat po ulit sa masayang araw, salamat po at madaming nagmamahal sa mga anak ko :)

YENYEN