Wednesday, November 10, 2010

PERS TAYM...

Dahil ito ang unang beses na magaaksaya ako ng panahon sa blog blog na to dahil di naman talaga ako magaling magsulat, wala lang talaga akong magawa sa buhay ko  pag ganitong oras dahil ito ang oras na ako ang nakatokang magalaga sa bago kong panganak na impakto.. ito ang oras na kahit tulog sya eh hindi pa ko pwedeng matulog dahil maya maya lang eh gigising din sya at kailangan nanamang alagaan ng bonggang bongga. gagawin ko tong online diary dahil nga sa busy ako sa pagaalaga ng mga chikiting ko at dalawang aso, o sya sama na din natin si kadong, wala na ko masyadong nakakausap na tao baka mabaliw na ko. baka naman kilabutan sakin si mig kung sya ang kukwentuhan ko gabi gabi tungkol sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko diba? wala namang kaaliw aliw dito. ginagawa ko to para lang pag wala ulit akong magawa sa mga susunod na araw eh mababalikan ko tong mga araw na to at maalala ko kung anong mga nangyayareng katarantaduhan sa sa buhay ko.

Gaya nga ng sinabi ko, pers taym ko to at di talaga ako magaling magsulat kaya magtatagalog ako,bobo kasi talaga ako sa english. pag pinilit kong mag english english dito lalo lang dudugo ang mga ilong ninyo kaya wag kayong pakialamera. ewan ko ba kung bakit dilat na dilat naman ako habang nagtuturo ang teacher ko noon pero di talaga pumapasok sa kokote ko yan. pahanap nyo nalang ng pahanap sila x,y,z o kahit pa anong letrang gusto nyo pahanap sa algebra (oo mayabang ako! bihira lang ang magaling sa math at pinagmamayabang kong isa ako sa kanila.hahaha!) wag nyo lang akong tanungin tungkol kina transitive at intransitive chuvaness, at yang mga punctuation marks na yan, ni hirap na hirap ako kung kelan gagamitin ang period at comma (obvious ba?) at ang tamang paggamit ng capital letter dahil bukod sa di ko talaga alam, madalas tinatamad akong pindutin pa ang SHIFT. kaya nga nung naging writer ako eh di ko talaga kineri dahil bukod sa sangkatutak na articles ang kelangan eh kulang pa pambili ng gamot para sa dumudugo kong ilong ang sahod ko.

Sasabihin ko lahat ng mga nangyare sa araw araw o "halos" lahat. mahirap naman kung talagang lahat
lahat diba? gaganahan pa ba kayong magbasa kung ikkwento ko pa dito kung gano kalambot o katigas ang jebs ko?  o kung gano kalaking kulangot ang nabilog ko sa maghapon? at lalong lalo namang nakakaloka kung magkwento ako ng mga kahalayan dito kaya yung mga medyo nakakadiring bagay o bagay na wala namang interesado eh wag nalang banggitin..

Nagising ako ng alas tres ng hapon dahil sa pagod at puyat kay impakto, paggising ko wala si mig nakina jannel. (sa mga di nakakakilala si jannel ang kapitbahay namin na ninang ni mig at patay na patay sa kanya na tinatawag nyang "mom", anak sya ni aba at ni koko). lumamon lang ako at pagkatapos eh natulog ulit. nagising ako lagpas 6pm na. ginising ako ni kadong kasi kukunin nya daw ung cd na left for dead kina ige.(pinsan ko) pagbalik nya naglalaro ako sa pc at si kadong naman eh nakatayo sa tabi ko buhat buhat ang impakto at eto ang eksena..

Habang naglalaro ako ng poker umutot ng bonggang bongga si enchong..
kadong: beb ayan na jejebs na to.
yenyen: oo di pa jumejebs yan eh.
(may naamoy kaming mabaho)
kadong: yan na lumabas na ang baho na eh.
yenyen: (napatingin sa kanila at napansing tabingi ang diaper ni echong, hinawakan ko si beb sa braso para sabihin sa kanya pero magsasalita palang sana ako, ayun ang jebs pala eh nasa braso na ni kadong at saktong sakto pa sa hinawakan ko). yaaaaaaaaaaak!!! beeeeeeeeeeeeb!!!
kadong: WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! tara hugasan muna natin to.
napaliguan ng wala sa oras si enchong.

Habang naliligo ako hinatid na ni jannel si migmig at kumatok si mig sa banyo dahil wiwi daw sya pero bago pa sya makarating sa inidoro eh naihi na sya sa shorts nya..
migmig: aaayyyy!
yenyen: ikaw talaga!!!
migmig: popo.. bad tete mimit!
ayun nawala ang galit ko, ang galing talaga ni mig!

Inutusan ako ni kadong na bumili ng saging dahil yung tinik na nasa lalamunan nya na gawa ng tilapia na tinanghalian nya eh di parin daw natatanggal kaya ngpasama ako kay marvin (pinsan kong bakla) sa labas, bumili na din kami ng bibingka at puto bumbong, cd na hating kapatid (na di ko kinayang panoorin dahil sa sobrang labo) at sayo lamang. bumili din kami ng barbicue ni bakla at nilafang namin sa taptitap. paguwi ko (di ko na kasama si bakla dahil pinauwi na sila ni mama) nandun si jannel sa bahay at pinanood namin ang sayo lamang na medyo maganda naman sulit naman ang 40pesos ko.

Mga alas dose ng gabi bigla nalang humiling si mig ng mcdo (promise bigla nalang pumasok sa isip nya) gusto daw nya ng ispageti kaya umorder kami at nakisabay si jannel. ang masama wala na daw ispageti na hindi matanggap ni mig kaya ngiinarte sya, di pa sya nakakarecover eh nagngangangawa nanaman dahil habang nagtatatalon sa kama eh bumagsak at tumama ang ulo bandang tenga sa bakal. ayun namaga ng bongga bongga ang tenga ewan ko lang kung nabasag ang eardrums nya susubukan ko pa syang bulungan mamaya titingnan ko kung nakakarinig pa sya.

Pagdating ng order ay nuggets nalang ang nilamon nya, nakalimutan nya na si ispageti at enjoy na enjoy sya. wala sana kaming karapatan mag mcdo dahil krisis, ang 200 na nagastos namin ay ulam na sana namin sa maghapon.hahaha! pero ok lang, di nalang kami kakaing magasawa bukas mapasaya lang namin si mig. habang nilalafang nya ang nuggets ang saya saya ng pagmumukha nya at wala ng sinabi kundi "abu nanay! abu tatay!" (pagpapalit mo ba un sa halagang dalawangdaan?) at habang papalapit ako sabi "naynay chekchi" di ko alam na nakakalabo pala ng mata ang nuggets ng mcdo.

Pagkatapos ng midnight snack nanonood ng sesame st ang magaama sa youtube. tuwang tuwa si beb sa mga bigating guest nila at tawang tawa sya dahil sa NSYNC at eto ang highlight ng gabi ko..

kadong: beb tingnan mo to dali!
yenyen: hala nsync.
kadong: hahahaha! tangenang yan! (sabay turo kay justin timberlake) sino ba to artista na to diba?
yenyen: tange si justin yan!
kadong: aaaah oo nga pala si justin BIEBER pala yan.
yenyen: ano?! tanga timberlake.hahaha!
kadong: ay puta! (sabay hawak sa noo) oo nga pala.

Andami ng naganap pero ang maliit na impakto gising parin at iyak ng iyak ang sarap na nyang sabunutan. si beb pikon na dahil wala ng nagagawang trabaho pero ayun bago mag 4am nanahimik na din ang tyanak pero di parin derecho ang tulog at nagpapabuhat parin hanggang sa natulog na si mig at nawalan na din ng lakas si kadong..

Napaka tipikal ng araw ko laging ganito, umiikot lang sa loob ng bahay na to at sa kanilang tatlo pero keri lang kasi masaya ako, ilang beses akong tumatawa sa maghapon. kahit pagod at puyat ako kakaalaga sa dalawa eh sulit na sulit naman kasi ang popogi nila at alam ko kung gaano nila ako kamahal :) at si kadong naman, kahit na madalas eh nakakaloka ang mga katarantaduhan nya, alam ko din na mahal nya ko at higit ang mga bagay na dapat kong ipagpasalamat kesa sa mga dapat kong ireklamo.

BRO,

Salamat po sa masayang araw :)

-yenyen

No comments:

Post a Comment